Itinutulak ni Senadora Nancy Binay ang isang panukala para mapalakas at istriktong maipatupad ang standards parasa paglikha at pagpalit ng mga official seal at logo sa pamahalaan.
“Hindi po basta basta ang rebranding at ang pagbabago ng logo. We need to ensure that official seals and logos convey national ideals and traditions that express the principles of sovereignty and national solidarity,” sabi ni Binay.
Inihain ni Binay ang Senate Bill No. 2384 na naglalayong amiyendahan ang Republic Act No. 8491 at palakasin ang mga alintuntuinin sa paglikha, pagbago at pagparehistro ng mga opisyal at iba pang heraldic items at devices sa mga ahensya ng gobyerno.
Binanggit ni Binay ang pagpapalit ng seal o logos ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng gold Philippine Eagle ng Bangko Sentral at ang bagong logo ng state-owned Philippine Gaming Corp. (PAGCOR).
“Nitong mga nakaraang araw, parang sunod sunod ang rebranding o pagpapalit ng logo ng mga ahensya ng pamahalaan. While I am sure na may ginawa naman silang mga pag-aaral ukol dito, maganda din sigurong maging permanenteng bahagi ang NHCP sa proseso ng redesign para masigurong akma at nasa ayos ang logo ng ahensya ng pamahalaan,” saad ni Binay.
Sa ilalim ng panukala, ang administrative seals, logo, insignia, badges, patches, banners and initiate awards, citations, orders o decorations, ay dapat awtorisado ng Kongreso o Office of the President at may approval o rekomendasyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
“Tinanggal na natin ang mga bayani sa ating pera. Parang sinasabi nating ‘our martyrs and heroes are no longer worth our money’. ‘Yung design ng pera hindi dapat BSP o Malacanang lang ang magde-decide,” saad ni Binay.
“’Yung magpalit nga ng name ng school at kalsada kailangan may congressional imprimatur at NHCP approval dahil meron ‘yan relevance at implications sa culture at history, and there’s a higher purpose than just having the names changed. Ganyan din sa ating legal tender—there’s a higher purpose to what image or content should be printed on notes and coins,” dagdag niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Nancy Binay: Tiyaking mga lehitimong turista ang mabibigyan ng e-visa
The post Nancy Binay: Pagpapalit ng seal, logo ng mga ahensya ng gobyerno, dapat aprubado ng OP, Kongreso first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento