Tumaas pa ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasawi dahil sa nagdaang bagyong ‘Egay’ at southwest monsoon o habagat.
Sa latest na ulat ng NDRRMC, pumalo na sa 29 na katao ang naitalang nasawi. Ang mga naiulat na nasawi ay mula sa Ilocos, Western Visayas, Davao at Cordillera Administrative Region.
11 na katao naman ang naitalang nawawala.
Ang mga naiulat naman na nasugatan dahil sa masamang panahon ay tumaas din mula sa 140 ay naging 165 na ito.
(CS)
See Related Story Here:
Dedo dahil sa bagyong ‘Egay’, habagat tumaas pa
The post Nasawi dahil sa bagyong ‘Egay’, habagat umakyat pa first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento