Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na target nilang magsagawa ng nationwide mall voting sa 2025 upang hindi na magambala ang pag-aaral ng mga estudyante kapag ginagamit ang mga eskuwelahan bilang polling center.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre ay sisimulan ang mall voting sa walong mall sa Metro Manila at tig-isa sa Cebu at Legazpi City.
“Gusto po nating gawin ‘yan sa buong Pilipinas sa darating na 2025…. Lumalabas mga 400 hanggang 500 malls meron sa ating bansa. Kung saka-sakali, hindi na natin gagamitin ‘yung mga eskuwelahan [bilang polling center]… hindi na maiistorbo ‘yung pag-aaral ng mga bata,” aniya.
“Ito po ay libreng ipinagkakaloob sa atin ng mall owners o operators… lahat po ng mga pasilidad, kahit mga gamit at mga tao nila, ipinapagamit po sa atin nang libre,” dagdag pa ni Garcia sa panayam sa radyo. (IS)
See Related Story Here:
Panukalang internet voting para sa OFW umusad
The post Nationwide mall voting target sa 2025 first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento