Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) matapos tumalon ang isang 26 taong gulang na lalaki habang papalapit ang tren.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mabilis naman umanong nai-apply ng train operator ang emergency brake nang tumalon ang lalaki sa riles.
Ipinatupad naman ang “provisional service” mula Baclaran hanggang Central Station, 6:12 am.
“Following the incident, provisional service was implemented from Baclaran to Central Station at 6:12 am.”
Dinala naman na umano ang nasabing lalaki sa ospital. Ayon naman sa DOTr, stable na ang kondisyon ng lalaki.
“As of 9:32 am, the passenger is in stable condition and is now having an X-Ray. Full operations of the LRT-1 resumed at 6:44 am.”
(CS)
See Related Story Here:
LRT1 half day lang sa Agosto 20
The post Operasyon ng LRT1 pansamantalang itinigil matapos tumalon ang isang kelot first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento