Kailangan umanong magbago ng estratehiya ang gobyerno upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at payagang makapasok ang pamumuhunan mula sa pribadong sektor.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto na kailangang amyendahan ang mga batas na may saklaw ng sektor ng agrikultura upang maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa.
“I think we should think of agriculture differently already. The farmers, their children don’t want to be farmers anymore. You know how hard it is to plant rice para kang nagma-marathon araw-araw ng nakayuko,” sabi ni Recto.
Mahalaga rin umano ang mechanization at magagawa lamang ito kung makakapasok ang pondo ng pribadong sektor.
“You cannot rely on government alone. You need to do more corporate farming,” dagdag pa ni Recto.
Isa umano sa mga amyenda na kailangan ay hayaan na magkaroon ng mas malawak na lupa ang mga magsasaka.
“Lets say I’m a farmer and I’m very productive, I want to expand my farm from five to 10 hectares, by law I’m not allowed to do that,” paliwanag ni Recto.
Ang average na laki umano ng sakahan sa bansa ay 1.2 hektarya lamang.
“I think we have to rethink our agriculture strategy, in fairness to the President, I think second quarter or first half (of the year) agriculture did grow but still below the growth of the population rate,” sabi pa ng mambabatas.
Ipinunto rin ni Recto na ang sektor ng agrikultura ay nageempleyo ng 30% ng mga manggagawang Pilipino subalit nasa 8% lamang ang kontribusyon nito sa gross domestic product. (Billy Begas)
The post Pagbabago ng estratehiya sa agrikultura pag-isipan na – Recto first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento