Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na magkaisa at isantabi ang mga hindi pagkakaintindihan para sa kaunlaran at kapakanan ng bansa.

Ito ang mensahe ng Pangulo sa kanyang pakikiisa sa paggunita ng sambayanan sa ika-40th anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr. nitong Lunes.

Sinabi ng Pangulo na upang makamit ang hinahangad na maunlad na Pilipinas, kailangang lagpasan ang mga balakid sa politika at isulong ang kapakanan at pag-unlad ng mamamayan.

“In our purposive quest for a more united and prosperous Philippines, let us transcend political barriers that hamper us from securing the comprehensive welfare and advancement of our beloved people,” anang Pangulo.

Mahalin aniya ang bansa dahil ito ang magiging susi ng maayos na pamayanan at gawing inspirasyon ang hindi natitinag na paniniwala ng dating senador sa mga inaakala nitong tama.’

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang sambayanan na maging bukas sa kolaborasyon lalo na sa mga magkakaibang pananaw at paniniwala at itatag ang isang lipunang puno ng inspirasyon.

“As we take measured yet realistic stride towards progress, let us allow our steadfast spirit to drive us to uplift every Filipino and build an inclusive and more progressive Philippines,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM nanawagan para sa kapayapaan sa Korean Peninsula

The post Pagkakaisa hiling ni PBBM sa Ninoy Aquino Day first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT