Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sambayanan na gamitin ang kanilang mga potensyal para maging bayani sa kanilang komunidad.
Inihayag ito ng Pangulo matapos pangunahan ang komemorasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Lunes ng umaga.
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ng Presidente na bawat Pilipino ay may kakayahang maging bayani ng bansa.
“As we recognize our forebears whose uncelebrated legacies our society is built on, let us also realize that our own power to become heroes for our families and communities,” saad ng Pangulo.
Umaasa ang Pangulo na tutugon ang sambayanan sa kanyang panawagan at gamitin ang kanilang potensyal para sa pagbabago at magkaroon ng isang matatag, masagana at matatag na Pilipinas para sa kinabukasan at susunod na mga henerasyon.
Bukod sa mga ninunong bayani, kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga Overseas Filipino Worker, guro, magsasaka at disaster response team bilang mga bayani dahil sinusuong nila ang panganib at mga hamon na ang sandata ay tatag ng loob at dedikasyon sa kanilang trabaho. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
DMW Secretary Ople kampeon ng mga manggagawa at OFW – PBBM
The post PBBM sa mga Pilipino: Maging bayani sa komunidad first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento