Nagpasa na ng resignation si Quezon City Police District (QCPD) chief PBGen. Nicolas Torre III.
Kinumpirma na rin ni Philippine National Police (PNP) chief Benjamin Acorda Jr. na nagpahayag na si Torre III na mag-resign sa pwesto matapos umani ng iba’t-ibang reaksyon ang pagpapa-presscon nito kasama ang isang dating pulis na kinasahan ng baril ang isang siklista.
Ang dating pulis ay kinilalang si Wilfredo Gonzales.
Ayon kay Acorda, nagkausap na sila ni Torre III at nire-respeto nito ang kaniyang desisyon ngunit pag-uusapan pa umano ito kasama si Mayor Joy Belmonte at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos.
Kamakailan lang ay sinabi ni Acorda na naghain na ng kasong alarm and scandal ang QCPD Station 11 laban kay Gonzales.
(CS)
See Related Story Here:
LTOPF, PTCFOR, FR ni Wilfredo Gonzales ni-revoke ng PNP-CSG
The post QCPD chief PBGen. Nicolas Torre III nagbitiw na sa pwesto first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento