Sisimulan na ng gobyerno sa September 15, 2023 ang pagbibigay ng subsidiya sa kuryente para sa lower-income bracket na mga Pilipino at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ang inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa ilalim ng Lifeline Rate program.

Ayon sa PCO, ang subsidiya sa kuryente ay ibibigay sa mga kuwalipikadong customers na walang kakayahang bayaran ng buo ang kanilang konsumo ng kuryente.

May itatakdang pamantayan ang gobyerno para makakuha ng subsidiya sa kuryente sa pamamagitan ng pag-apply sa distribution utility o kaya electric cooperative.

Sa ilalim ng programa, makakatanggap ng full subsidy ang mga kuwalipikadong aplikante sa lahat ng generation charges na mayroong konsumo ng kuryente ng mula 0-20 kilowatt per hour at diskwento sa bill kapag ang konsumo ay nasa 21 kph hanggang 100 kph, batay sa itinakdang pamantayan. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

4PH project sa Pampanga, ininspeksyon ni PBBM

The post Subsidiya sa kuryente ng 4Ps, pinakamahihirap na Pinoy ilalarga na sa September 15 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT