Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Three-Year Food Logistics Action Agenda ng Department of Trade and Industry na layuning mapahusay ang food distribution system sa bansa.

Sa ganitong paraan ay mabawasan ang gastos sa transport at logistics at masiguro ang episyenteng supply sa food chain.

Ang plano ay inaprubahan ng Pangulo sa ginanap na sectoral meeting sa Malacañang nitong Martes.

Ang food logistics agenda ay isa sa sa direktia ni Pangulong Marcos Jr. sa ikalawang cabinet meeting nito noong September 2022.

Kasama sa layunin ng inaprubahang food logistics action agenda ang pagpapalakas sa kampanya laban sa hoarding, smuggling, overstaying food imports at pagbabantay sa mga warehouse o cold storage facilities gayundin ang paggamit ng communications technology upang mapahusay ang logistics sa bansa.

Bahagi ng plano ang pagtatayo ng dagdag na food hubs sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa at pag-upgrade sa mga umiiral na food terminals na magiging central command centers para sa epektibong implementasyon ng food distribution system sa bansa.

Ang logistic action agenda ay bahagi ng adhikain ni Pangulong Marcos Jr. na maging logistics hub sa Asya ang Pilipinas. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM nakiramay sa pagpanaw ni Mike Enriquez

The post Three-Year Food Logistics Action Agenda ng DTI inaprubahan ni PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT