Itinutulak ni Senador Francis Tolentino ang modernisasyon ng limang dekada nang ahensya na dapat sana ay magtatag ng maaasahang aviation at aerospace industry sa bansa.

Ayon kay Tolentino, vice chair ng Senate Committee on National Defense ang Security, nakapagsumite na ang Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) ng kanilang extension para sa kanilang corporate life.

Subalit kung titingnan ang financial management record ng PADC, sinabi ng senador na kailangan ng total overhaul ng organisasyon para makabangon at maging financially viable muli.

“One request to the Department of National Defense strategic assessment and planning, if you have any plans on how to upgrade the current PADC which is not attached to the Office of the Secretary of National Defense which is supposed to be our main aviation group,” sabi ni Tolentino.

Ang PADC ay isang attached agency sa ilalim ng Department of National Defense (DND) na binuo noong September 5, 1973, sa bisa ng Presidential Decree No. 286 na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sapul noong 2021, ang PADC ay inilagay sa organizational realignment ng DND at National Security Council’s (NSC) subalit limitado ang kanilang pangunahing tungkulin sa ilalim ng kasalukuyang batas.

Nauna nang sinabi ni Tolentino na ang hindi nagagamit ang PADC sa kabila ng layuning nitong mag-develop ng indigenous capabilities sa maintenance, repair at modification ng aviation equipment. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Tolentino: Dagdagan parusa sa mga abusadong employer

The post Tolentino: I-modernize aerospace agency first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT