Maliban sa pag-boykot ng mga kumpanya at produkto ng China, nais din ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ilagay sa blacklist ang mga Chinese contractor na may malalaking infrastructure projects sa bansa.

“May mga projects ang DPWH, ang mga kumpanya ay state-owned companies … pagmamay-ari po ng Tsina mismo, ng gobyerno ng Tsina. Wala naman po silang ginagawa kundi mam-bully lang nang mam-bully ng ating mga kababayan sa WPS, sa ating mga mangingisda,” pahayag ni Zubiri.

“Eh ‘di bumawi na lang tayo. I-blacklist natin ‘yong mga kumpanyang ‘yon. Bakit naman iyung mga buwis pa ng mga kababayan nating Pilipino ang gagamitin para ipambayad dito sa mga state-owned companies? \Tapos ‘yong income po niyan, babalik po sa Tsina, gagamitin ng Tsina pambayad doon sa kanilang navy at coast guard na nanghaharass po sa atin dito. Hindi po tama ‘yon. That is not right,” dagdag pa niya.

Ayon kay Zubiri, hindi lamang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang inaarkila ang mga Chinese contractors kundi mga iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Transportation na may supervision sa Philippine Coast Guard.

“Kinausap ko na si Sec. Jimmy Bautista, nandoon sa Senado noong isang araw, nag one-on-one po kami. Ang sabi ko, ‘Secretary, nakikita niyo naman kung ano ang ginagawa nila sa Coast Guard ninyo?’ Sabi ko, pag ganoon, huwag na natin bigyan ng project ang Chinese state-owned companies dito sa Pilipinas,” saad ni Zubiri.

“Katulad ng mga tren. Di ba may mga tren na North-South Railways going to Bicol, going to the North. Huwag na natin ibigay sa kanila. Ibigay na lang natin sa South Korea or sa Japan,” dagdag pa niya.

Nangako naman si Transportation Secretary Jaime Bautista na sila gagamit ng mga Chinese state-owned company para sa train at airport projects gayundin ang iba pang big-ticket items.

Hiniling din ni Zubiri sa DPWH na huwag ibigay sa Chinese contractors ang 32—kilomentrong 32-kilometer Bataan-Cavite Interlink Bridge at sa halip, ialok ito sa mga ‘friendlier’ na bansa tulad ng Japan at South Korean na nagbibigay ng development aid sa Pilipinas.

“Ibigay nalang po natin yan sa mga kapitbahay natin na mahal tayo, na kaibigan natin na tumutulong sa atin,” sabi ni Zubiri na naunang binatikos ang Chinese dahil sa pagdeklarang kaibigan ang Pilipinas subalit hindi taliwas naman ang ipinakita nito sa West Philippine Sea. (Dindo Matining)

See Related Story Here:

Zubiri, Ejercito suportado posisyon ni PBBM sa BRP Sierra Madre

The post Zubiri: I-blacklist Chinese infra contractors; infra projects ibigay sa Japan, Korea first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT