Naghain ng resolusyon si Senate President Juan Miguel Zubiri at Senadora Pia Cayetano ng isang resolusyon para imbestigahan ang viral road rage incident na nangyari kamakailan sa Quezon City, sangkot ang isang dating police officer at isang siklista.
Sa Senate Resolution 763, inihayag ng dalawang senador na ang insidente ay may kinalaman sa paniniguro ng kaayusan at kaligtasan ng publiko, kung kaya’t hindi ito pwedeng basta aregluhin lamang o ipagsawalang-bahala ng mga awtoridad.
“This is a serious case involving public order and safety, which cannot simply be settled amicably and swept under the rug,” pagdidiin ni Cayetano at Zubiri.
Iginiit din ng dalawang senador na may kinalaman ang road rage sa konsepto ng ‘road sharing,’ na kadalasan ay hindi sinusunod ng mga motorista.
Sa ilalim ng konseptong ito, lahat ay may patas na karapatang gumamit ng mga pampublikong kalsada – kabilang ang mga pedestrian, commuters, siklista, motorcycle riders at mga nagmamaneho ng four-wheeled vehicles
“The issue also highlights the safety of cyclists on the road, and the issue of road sharing, a concept that remains ignored by and alien to many Filipino motorists, which means that one must share in the responsibility of ensuring everyone’s safety, as everyone has an equal right to access public roads,” saad pa sa resolusyon.
Inihayag pa nina Zubiri at Cayetano na tungkulin ng bansa ang Sustainable Development Goal 11 o ang Sustainable Cities and Communities. Sa ilalim nito, dapat siguruhin ng pamahalaan ang kaligtasan at pag-unlad ng bawat miyembro ng lipunan. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Zubiri: Paglagda ni PBBM sa 4 na batas, maganda ang epekto sa mga Filipino
The post Zubiri, Pia Cayetano paiimbestigahan viral QC road rage incident first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento