Inihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na may kabuuang 19 na tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ang sinibak mula noong Hulyo 2022 matapos silang mahuli na nagnanakaw sa mga pasahero.
Ayon pa kay Bautista, may naimbestigahan na umano silang 60 na kaso ng pagnanakaw sa mga paliparan.
Kasama sa mga kaso ang insidente noong Setyembre 8 sa Ninoy Aquino International Airport kung saan isang OTS screener ang nakitang lumulunok ng $300 na perang papel na ninakaw umano nito mula sa isang turista.
Matatandaang kumalat sa social media ang CCTV footage nito kung saan makikitang isinubo nito ang dollar bills na nagmula umano sa luggage ng isang turista.
(CS)
See Related Story Here:
OTS chief nagbitiw matapos balaan ni Romualdez
The post 19 na tauhan ng OTS sinibak matapos mahuli na nagnanakaw first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento