Inaasahan na magiging maulan ngayong weekend dahil sa low pressure area (LPA) na namataan sa Quezon at Zambales.
Sa 3 am bulletin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado, ang isang LPA ay namataan sa 85 kilometers (km) northeast ng Infanta sa Quezon habang ang isa naman ay namataan sa 125 km west ng Iba sa Zambales.
Inaasahan naman ang maulap na kalangitan, na may pag-ulan at pagkulog sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula dahil sa mga LPA at southwest monsoon o habagat.
Maulap na kalangitan din, na may pag-ulan o pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
(CS)
See Related Story Here:
The post 2 LPA naispatan ng PAGASA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento