Nagtungo sa International Space Station (ISS) ang NASA astronaut na si Loral O’Hara at Roscosmos cosmonauts na si Oleg Kononenko at Nikolai Chub.

Ang Soyuz MS-24 spacecraft ay inilunsad mula sa Baikonur Cosmodrome sa Kazakhstan hanggang sa ISS.

Si O’Hara ay magtatagal ng anim na buwan sa ISS habang si Kononenko at Chub ay magtatagal ng isang taon.

Sa orbiting station, sasali ang trio sa crew ng tatlong Russian, dalawang Amerikano at isang Japanese, kasama ang isang kinatawan ng European Space Agency.

(CS)

See Related Story Here:

Castro sa patutsada ni VP Sara na walang respeto sa kanya: ‘The feeling is mutual’

The post 3 astronaut nagtungo sa International Space Station first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT