Abot sa 950 pulis ang tinanggal na sa serbisyo dahil napatunayang may ginawang kalokohan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson PCol. Jean Fajardo, nagpapatunay ito na seryoso ang pulisya para malinis ang kanilang hanay.

Dagdag pa ni Fajardo, nasa 4,000 kaso na may kinalaman ang pulisya ang naresolba na ng PNP.

Ilan sa mga mabibigat na pinagtuunang pansin ng pulisya ay ang pagpaslang kay Jhemboy Baltazar kung saan ilang pulis ang na-relieve, kasama na ang Navotas police chief.

Kabilang din sa inaksyunan ng PNP ay ang dati nilang kabaro na si Wilfredo Gonzales, na kinasahan ng baril ang isang siklista.

“Ang gusto lang po naming sabihin ay seryoso po naming hinaharap at pinag-aaralan kung paano pa po natin mai-improve at maa-address itong mga insidente involving our police officers,” wika ni Fajardo. (RP)

The post 950 pasaway na pulis, sinibak ngayong taon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT