Ikinokonsidera ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagsasampa ng reklamong perjury laban sa dalawang aktibista na bumawi umano sa kanilang pahayag na nagdedeklara na sila ay mga rebel surrenderee.

Sa deliberasyon ng panukalang 2024 budget ng Department of National Defense (DND), nagtanong si Kabataan Rep. Raoul Manuel kaugnay ng umano’y pagdukot sa mga aktibistang si Jhed Tamano at Jonila Castro.

“Will the AFP admit to abducting the two young women?” tanong ni Manuel.

“No,” sagot naman ng sponsor ng panukalang budget na si Negros Occidental Rep. Mercedes Alvarez. “The AFP plans to file perjury cases or charges against the two.”

“Ano po ang batayan na sampahan ng kaso ang dalawang matapang na kababaihan na in-abduct na nga nila (AFP) at iligal na dinetain sa military camp. Hindi natin alam kung anong tipo ng panlilinlang yung ginawa sa kanila or coercion para mapuwersa sila na pumirma sa affidavit at ngayon na matapang nilang isiniwalat ang nangyari sa kanila sila pa ang sasampahan ng perjury,” tanong ni Manuel.

Sinabi naman ni Alvarez na mayroong mga saksi ng pirmahan ng dalawa ang kanilang affidavit na nagsasabi na sila ay mga rebel surrenderee.

“The PAO (Public Attorney’s Office) lawyers were there, the stepfather of one of the ladies was there and they were even asked if they were coerced into singing by the step father and she denied being coerced,” sabi ni Alvarez.

“Mr. Speaker, they were labeled as voluntary surrenderees because they said they voluntarily surrendered…. If you made a sworn statement and you recanted you will be subjected to perjury charges if needed,” dagdag pa ng lady solon.

Sa briefing na inorganisa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan, binawi ng dalawang aktibista ang kanilang sinumpaang salaysay at sinabi na sila ay dinukot ng AFP.

“You know Mr. Speaker, the DND, the AFP has always believe that honesty is the currency of leadership. It is most critical today that the truth prevails because mistrust seems to have been the default mode or reaction. We stand with our Philippine Army Mr. Speaker,” giit ni Alvarez.

Sina Tamano at Castro ay kapwa tumututol sa Manila Bay reclamation project, ayon sa ulat. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Wow! Transwoman activist, kauna-unahang nakapasok sa Miss Universe Puerto Rico

The post AFP paplantsahin perjury laban sa aktibistang umatras sa pagiging surrenderees first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT