Usap-usapan ngayon sa social media ang isang video ni Bulacan Gov. Daniel Fernando kung saan makikitang bigla na lang itong nanigas at hindi makapagsalita.

Noong una ay maayos pa itong nakapaglakad noong siya ay tinawag na ng host ngunit nang hawak na nito ang mic ay hindi na nito naibubuka ang kaniyang bibig upang magsalita.

Matapos lang ang ilang segundo, mapapansin na sumenyas na ito at may lumapit na sa kaniya upang ilayo siya sa stage.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang kampo ni Fernando tungkol sa nangyari sa gobernador.

(CS)

See Related Story Here:

Bulacan Gov. Daniel Fernando nagpositibo sa COVID-19

The post Anyare? Daniel Fernando nanigas, hindi makapagsalita sa isang event first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT