Sumabak agad sa trabaho si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes matapos ang apat na araw na biyahe mula sa Jakarta, Indonesia.
Bisita ng Pangulo nitong Biyernes ng umaga sa Malacañang si Australian Prime Minister Anthony Albanese kung saan nagkaroon sila ng bilateral meeting.
Naging tampok sa pagbisita ni Albanese ang pagpapaigting sa mahigit 75 taong relasyong bilateral ng Pilipinas at Australia.
Nagpalitan ng pananaw ang Pangulo at ni Albanese kung paano mas palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa lalo na sa aspeto ng seguridad, kalakalan, ekonomiya at maritime cooperation.
Pinasamatan ng Pangulo si Albanese dahil sa pagsuporta sa Pilipinas laban sa mga mga umaangkin sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Malaking bagay aniya ito sa Pilipinas at mas lumakas ang hangarin ng gobyerno na ipaglaban ang teritoryo.
“May I just ad a word of thanks to you Mr. Prime Minister for the strong support you have made for the Philippines especially during the past ASEAN conference where you have made very clear that the claims that are being made upon by our Philippine territory are not valid and have not been recognized and not in conjunction or inconsistent with international law.”
Bago ang bilateral meeting ay binigyan si Albanese ng arrival honors sa Malacañang bilang bahagi ng kaniyang official visit sa Pilipinas. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
PBBM nagpasaklolo sa ASEAN laban sa paggamit ng militia vessels ng China
The post Australian PM nakipagkita kay PBBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento