Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan, malalim na ang baha at hindi na madaanan ang isang bahagi ng EDSA Camp Aguinaldo.

Sa ibinahaging larawan sa Facebook ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), makikitang wala ng galawan ang mga sasakyan dahil sa baha.

“FLOOD ALERT: As of 12:20 PM. EDSA Camp Aguinaldo NB. half tire deep. Not passable to light vehicles.” ayon sa MMDA.


Sandamakmak naman na mga sasakyan at motorsiklo ang nakatigil lang sa kalsada dahil sa hindi madaanang kalsada.

Kapansin-pansin naman na may isang puting van na ang itinutulak ng ilang katao upang maiahon sa baha.

(CS)

See Related Story Here:

P12.259 billion inilabas ng DBM para sa pabahay ng mga biktima ng kalamidad sa Western Visayas

The post Bahagi ng EDSA Camp Aguinaldo, hindi na madaanan dahil sa baha first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT