Kinabaliwan ang broadcaster na si Ces Drilon ng mga netizen sa nag-viral ngayong campaign ad ng isang brand ng blended tea drink.

Bida si Ces sa ad campaign na nagsalin-salin na sa mga X accounts ng kung sino-sino.

Sa nasabing video, tila nabuhay ang hirit ng mga netizen na ‘Stress Drilon’ dahil sa laging pagkaimbyerna ng karakter ni Ces.

Una ay ang pagbuga niya ng kapeng iniinom dahil asin at hindi asukal ang nailagay nya. Ikalawa, ay nang makita nitong butas ang gulong ng kanyang kotse. Ang ikatlo, nang matalsikan sya ng tubig sa mukha habang naghihintay ng sasakyan sa inakalang ligtas sya sa ulan sa bitbit nitong payong. Ang ika-apat, di siya pinapasok ng guwardiya sa trabaho dahil linggo.

Lahat ng mga kabwisitan ay ibinubunton ni Ces sa paghampas sa giant Coco Tea cup kasabay ng pagmumura nito.

Sa huli, nakaramdam ng relief si Ces sa iniinom nitong blended tea at napapangiti sya.

Akala ni Ces ligtas na siya sa kalbaryo ng mga kamalasan, nakatapak naman ito ng duming aso. Muli, tinambol, hinampas nya at pinagbuntunan ng galit ang giant tea cup.

Malinaw naman ang mensahe ng ad. Sa lahat ng mga imbiyerna sa araw-araw, idaan sa nasabing tea para maibsan ang galit.

Waging-wagi ang ad sa kapwa broadcast journalist na si Karen Davila sa comment nitong, “Hahaha For The Win”, sa nai-share ng @ALTStarMagic.

“One of the best ad ever” naman ang comment ng News Anchor TJ Manotoc. Samantalang, “Hand Up” naman ang reaction comment ni Bela Padilla. (Rey Pumaloy)

See Related Story Here:

Ces Drilon sa nahuling kidnapper niya: ‘Kahit matagal, mangingibabaw pa rin ang katarungan’

The post Ces Drilon napamura, nanggigil sa viral milk tea ads first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT