Mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Matatandaang kamakailan lang ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng DTI at DA para magtakda ng price ceiling sa presyo ng bigas.

Pirmado na ng Malacañang ang Executive Order No. 39 nitong Agosto 31 na nagtatakda ng presyong P41.00 kada kilo para sa regular milled rice habang P45.00 kada kilo naman para sa well-milled rice.

“We recognize the urgency of addressing the escalating rice prices in the market. In parallel, it is imperative to maintain stringent oversight over rice pricing and supply to preclude any potential hoarding and price manipulation by traders and retailers,” ayon kay DTI Secretary Fred Pascual.

“To fortify our monitoring and enforcement mechanisms, the DTI will mobilize its price monitors and engage with Local Government Units (LGUs) to activate their Local Price Coordinating Councils,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ni Pascual na mayroong dalawang uri ng parusa sa ilalim ng Price Act na kakaharapin ng retailers at traders na mapapatunayang nagmanipula sa presyo ng kanilang panindang bigas.

(CS)

See Related Story Here:

Hindi susunod sa price ceiling sa bigas, may kulong at multa – DTI

The post DTI, DA mahigpit na babantayan presyo ng bigas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT