Kung sakaling tumakbo si dating Pangulong Rodrigo Duterte, Doc Willie Ong at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa pagka-senador, malaki ang tsansa nilang manalo base sa Pahayag survey ng Publicus Asia Inc.

Makikita sa survey na aabot sa 47 porsyento ang suportado si Duterte at mayroon naman na nakuhang tig-43 na porsyento si Ong at Tulfo.

Sumunod naman si Senador Bong Go na may 38 porsyento, Senadora Imee Marcos at Senador Bato dela Rosa na may 36 porsyento.

Kasama rin sa listahan sina dating Senador Ping Lacson na may 34 porsyento, dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto na may 33 porsyento, dating Manila City Mayor Isko Moreno na may 32 porsyento at dating Vice President Leni Robredo na may 28 porsyento.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Setyembre 7 hanggang 12, na mayroong 1,500 na respondents.

(CS)

See Related Story Here:

Villar, Gatchalian, Villanueva, Padilla sadsad performance rating – Publicus survey

The post Duterte, Ong, Tulfo nanguna sa senatorial survey first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT