Umusad na ang panukala para sa paglikha ng isang programa kung saan maaaring magamit ang work experience upang makakuha ng school credit na maaaring magamit para maka-graduate sa kolehiyo ang isang empleyado.

Ang panukalang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act (House Bill 9015) ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon noong Miyerkoles.

Sa ilalim ng panukala, ang mga Commission on Higher Education (CHED)-accredited na eskwelahan ay papayagan na magsagawa ng equivalency assessment, gumawa ng mga assessment instrument at magbigay ng academic supplementation o magbigay ng degree sa mga aplikante ng ETEEAP.

Ang mga maaaring kumuha ng ETEEAP program ay dapat Filipino citizen, edad 23 pataas at mahigit limang taon ng nagtatrabaho.

Ang CHED ang inatasan na magtakda ng criteria, proseso at documentary requirement upang mapangalagaan ang integridad at kalidad at maging matagumpay ang programa. (Billy Begas)

See Related Story Here:

DepEd pondohan para sa certificate ng senior high graduates – Cayetano

The post Empleyadong hindi nakapagtapos papayagang magamit work experience para maka-graduate first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT