Patay ang abot sa 14 katao na sakay ng isang eroplano matapos itong bumagsak sa Amazon rainforest.
Inanunsyo ni Amazonas Governor Wilson Lima ang naturang trahedya sa kanilang lugar sa Brazil.
“I deeply regret the death of the 12 passengers and two crew members who were victims of the plane crash in Barcelos on Saturday,” ayon kay Lima.
Samantala, ayon kay Edson de Paula Rodrigues Mendes, mayor ng Barcelos, ang bumagsak ay isang medium-sized na eroplano.
May ilang report na nagsasabing may mga American at Brazilian citizen na sakay ng eroplano. (RP)
The post Eroplano bumagsak sa Amazon, 14 todas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento