Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagdedeklara sa General Santos City bilang Tuna Capital ng Pilipinas bilang pagkilala sa pagiging pinakamalaking producer ng fresh at canned tuna sa bansa.
Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 4641. Nakakuha ito ng 249 boto.
Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang panukala ay pagkilala sa kahalagahan ng tuna industry sa pag-unlad ng bansa.
“It is not only a source of export earnings, but also a source of livelihood to our fisherfolks and workers in the City of General Santos, and the rest of the country,” sabi ni Romualdez.
“Indeed, the largest producer of canned and fresh tuna in the country for four decades deserve this timely recognition as we take pride in supporting the development of this industry in the coming years,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Sa General Santos City matatagpuan ang anim sa walong tuna cannery sa Pilipinas na mayroong 120,000 empleyado. Ang industriya sa bansa ay nagkakahalaga ng US$58 milyon, ayon sa panukala. (Billy Begas)
See Related Story Here:
Panukalang ideklarang tuna capital ng bansa ang GenSan umusad na
The post GenSan bilang Tuna Capital aprub na sa Kamara first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento