Magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon at Visayas ang southwest monsoon o habagat, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Magkakaroon ng maulap na kalangitan sa Palawan, na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Posible naman na magkaroon ng flash flood o landslide sa ilang bahagi ng lalawigan dahil sa malakas na pag-ulan.
Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, na may pag-ulan o pagkulog at pagkidlat.
(CS)
See Related Story Here:
2 katao todas sa hagupit ng Habagat
The post Habagat magdadala ng ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento