Dismayado si Senador Raffy Tulfo sa napakababang compliance ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG para sa coverage ng mga kasambahay.
Ito’y kasunod ng 2019 joint survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Labor and Employment (DOLE), mayroong 1.4 milyong rehistradong domestic worker.
Sa 1.4M, 6% o 84,190 kasambahay lamang ang na-enroll ng kanilang mga employer sa SSS habang 5% o 74, 858 lamang ang nakarehistro ng pareho sa PhilHealth.
Ang malala pa, 3.4% o 51, 579 na tulong sa bahay lamang ang na-enroll ng kanilang mga amo sa Pag-IBIG.
Ayon kay Tulfo, Vice Chairperson ng Senate Committee on Labor, na hindi sapat ang ginagawa ng mga ahensyang ito upang matiyak na ang mga employer sa bansa ay nirehistro ang kanilang kasambahay at binabayaran ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG kontribusyon ng mga ito.
Maliban diyan, bigo rin ang mga barangay na ipatupad ang sistema ng pagpaparehistro para sa mga kasambahay, kahit alam nila na ang ilang mga employer ay masyadong abala upang i-enroll ang kanilang kasambahay para sa nasabing coverage o sadyang iniiwasan gawin ito upang maiwasan ang mga pagbabayad.
Sa ilalim ng ‘Domestic Workers Act’ o ‘Batas Kasambahay’, ang bawat employer ay dapat irehistro ang kaniyang kasambahay sa barangay kung saan siya naninirahan. Ang Punong Barangay ay responsable para sa Registry ng kasambahay sa loob ng kaniyang nasasakupan.
Pinuna rin Tulfo kung bakit aktibo ang mga opisyal ng barangay mag bahay-bahay noong panahon ng halalan ngunit hindi nagawang mag-door to door upang mag-survey sa mga household na may mga kasambahay at matiyak ang pagpapatupad ng ‘Batas Kasambahay’.
Bukod dito, inirekomenda rin ni Tulfo na tanggalin ang qualified theft na parusa sa pagnanakaw para sa mga kasambahay, na ginagamit ng mga employer para pag-initan at idiin sila sa kasalanang di nila ginawa. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Vice Ganda pinagtanggol ni Raffy Tulfo?
The post Hindi inenrol ng mga employer! Tulfo: 94% ng mga kasambahay sa Pilipinas, walang SSS, PhilHealth first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento