Isang tao ang naiulat na nasawi sa Western Visayas dahil sa bagyong ‘Goring’ at ‘Hanna’, ito ay ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Samantala, ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili ng bagyong ‘Hanna’ ang lakas nito ngunit inaasahan naman na ngayong weekend ay lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Patuloy naman na tumataas ang bilang ng mga naapektuhan ng dalawang bagyo. 387,242 na katao na o 106,677 na pamilya ang naapektuhan sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa nasabing bilang, 21,701 na katao o 5,152 na pamilya ang nanunuluyan sa 293 na evacuation centers habang 24,827 na katao o 6,092 na pamilya ang nanunuluyan sa ibang lugar.

(CS)

See Related Story Here:

Maulan na panahon inaasahan ngayong araw

The post Isa dedo dahil sa bagyong ‘Goring’, ‘Hanna’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT