Hinatulan na ng juvenile court sa Kuwait ang lalaking pumatay sa overseas Filipino worker na si Jullebee Ranara, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang suspek ay kinilalang si Turki Ayed Al-Azmi, 17 taong gulang.
Sinentensyahan siya ng 15 taong pagkakakulong para sa murder at isang taong pagkakakulong naman para sa pagmamaneho nang walang lisensya.
“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” ayon sa DFA.
(CS)
See Related Story Here:
Nanay ni Jullebee Ranara umapela ng hustisya sa gobyerno
The post Kelot na pumatay kay Jullebee Ranara, hinatulan ng 15 taong pagkakakulong first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento