Naghain si Senadora Risa Hontiveros na Senate Resolution No. 797 na naglalayong imbestigahan ang mga kaso ng rape, sexual abuse, force labor at child marriage na ginawa ng di umano’y isang kulto sa Socorro, Surigao del Norte.
Pinaniwala ng kulto, ang Socorro Bayanihan Services, Inc. (SBSI) na kilala bilang Omega de Salonera, na si Jey Rence Quilario ay isang Messiah. Mayroon silang 3,650 miyembro kabilang ang 1,587 bata na nakabase sa isang guwardiyadong lugar sa bundok na tinawag ng Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro.
“Nakakakilabot ang nabuong kulto sa Surigao. Pero mas nakakakilabot at nakakagalit ang mga kaso ng panggagahasa, pananakit, at pilit na pagkakasal na ginawa sa mga menor de edad. We must put an end to this,” sabi ni Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women and Children.
Nakasaad sa resolusyon na na base sa mga testimonya ng mga biktima, si Quilario o mas kilala sa tawag na Senior Agila ay sangkot sa sekswal na pag-abuso sa mga menor de edad, kabilang ang mga batang inutusan niyang tumabi sa kaniya sa pagtulog, pagpapakasal sa mga batang edad 12 sa mga may edad at pagkulong sa kanilang sa isang silid para makipagtalik at iba pa.
Noong Hulyo, walang bata ang tumakas sa kulto dahil sa hindi makayanang pag-abuso at pagsasamantala.
“These children are in grave and present danger. Makapangyarihan at may impluwensya ang kulto. Ginagawa nila ngayon ang lahat para makuha mula sa LGU at DSWD ang mga bata. The children’s parents, who are still part of the cult, are asked to file petitions for habeas corpus, in order to recover the minors from the local government,” diin ni Hontiveros.
“Ang malala, nagtagumpay na sila sa isang bata at plano nilang isa-isahin ang mga nakatakas na bata hangga’t sa bumalik sa kulto. Ang mga bata na po mismo ang nagmamakaawa na huwag na silang ibalik doon. Bakit nga naman nilang gugustuhing bumalik sa isang komunidad, sa isang lider na nanloloko, nanggagahasa, at nananakit sa kanila?” dagdag niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Cristine Reyes ibinida galing ng anak sa gymnastics
The post Kulto sa Surigao na sangkot sa child rape tatalupan ng Senado first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento