Bubuhusan ng malaking pondo sa 2024 national expenditure program (NEP) ang mga programang pangkabuhayan para sa mga Pilipino.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), bahagi ito ng commitment ng Marcos administration na palakasin ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino.

Tinukoy ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang mga pinaglaanan ng malaking pondo para sa susunod na taon ay ang Integrated Livelihood Program ng Department of Labor and Employment (P16.4 billion) kasama na rito ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) Program.

Naglaan naman ng P5.62 billion para sa Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang P549 million naman para sa implementasyon ng PAyapa at MAsaganang Pamayanan (PAMANA) program.

Para naman sa pagpapahusay ng produksyon sa agriculture sector, naglaan ang gobyerno ng P1,355.408 billion sa Department of Agriculture para sa Aquaculture Sub-program.

Bukod sa nabanggit na mga ahensya, sinabi ni Pangandaman na mayroon ding mga programa at inisyatiba ang Department of Migrant Workers, Department of Trade and Industry at Department of Science and Technology para iangat ang pangkabuhayan ng mga Pilipino.

Lahat aniya ng mga programa ay mayroong inilaang pondo para sa 2024 National Expenditure Program. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

House Appropriations panel tinapos na pagtalakay sa P5.768T budget para sa 2024

The post Livelihood programs, prayoridad ng gobyerno sa 2024 national budget first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT