Kinasuhan ng mga environmental advocate sa Camarines Sur si San Fernando Mayor Fermin Mabulo dahil sa umano’y quarrying na walang kaukulang permit.
Sinampahan ng reklamo sa Ombudsman si Mabulo ng mga miyembro ng Task Force Sagip Kalikasan.
Ayon sa reklamo, nasa P544 million ang resources na nakuha mula sa munisipalidad dahil sa umano’y illegal quarrying.
Tinakasan din daw ng alkalde ang nasa P54M na bayad para sa local tax para sa quarrying base sa 10 percent tax rate ng National Internal Revenue Code (NIRC).
Kasama sa kinasuhan nina Richie Bolaños, Emmanuel Bustarga at Nimuel Azuela ng Task Force Sagip Kalikasan ay ang lima pang barangay chairman sa bayan ng San Fernando.
Ito’y dahil sa paglusot sa kanila ng ilang taon na illegal quarrying operation sa kani-kanilang lugar.
Ang limang barangay captain ay sina Larry Mateo ng Barangay Beberon, Joebert Lumabao ng Brgy. Bocal, Enopre Metillo ng Brgy. Pipian, Edelito Aborde ng Brgy. Alianza at Julian Coros Jr. ng Barangay Grijalvo.
Batay sa mga ebidensya na isinumite ng Task Force Sagip Kalikasan, nakita umano na ang isa sa truck na ginamit sa quarrying ay mula sa misis ni Mabulo na si Michelle.
Nagpataw na rin ng cease-and-desist order ang task force kay Mabulo para itigil ang quarrying sa lugar noong 2019 at 2021 dahil walang permit mula sa provincial governor, ngunit nagpatuloy pa rin ito. (RP)
The post Mayor Mabulo kinasuhan sa higit P500M kubra daw sa illegal quarrying first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento