Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang dagdag P500 sa sahod ng mga kasambahay sa Region 2 at Region 12.
Simula Oktubre 16, 2023, magiging P5,500 na ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Region 2 na binubuo ng Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Magiging P5,000 naman ang sasahurin kada buwan ng mga kasambahay sa mga lungsod at first-class municipality sa Region 12 o Soccsksargen habang P4,500 sa iba pang munisipalidad nito. (IS)
The post Mga kasambahay sa Region 2, Region 12 may dagdag na P500 sa sahod first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento