Maaaring mag-avail ng special treats at discounts ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno sa selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Inanunsyo ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na nakipagtulungan sila sa iba’t ibang pribadong establisyemento upang mag-offer ng exclusive rates at freebies para sa 1.9 milyon na aktibong civil servants, pati na rin ang mga retiradong empleyado bilang pagkilala sa kanilang sipag at katapatan sa serbisyong publiko.
“Inihanda natin itong special treats bilang pasasalamat sa ating mga kawani.” ayon kay Nograles.
“Talaga namang hindi matatawaran ang inyong mga sakripisyo upang matugunan ang pangangailangan at mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang publiko anumang oras.” dagdag pa nito.
(CS)
See Related Story Here:
Gobyerno tuloy sa pagprotekta sa soberanya – Año
The post Mga opisyal, empleyado ng gobyerno maaaring mag-avail ng special treats, discounts sa 123rd PCSA first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento