Binanatan ng mga netizen ang bagong suhestiyon ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Hiniritan ni DTI Assistant Secretary Agaton Uvero ang mga rice retailer na ibenta ang kanilang mga produkto nang walang tubo.

“Based sa computation namin, puwede pa nila ibenta pa na siguro hindi naman lugi pero wala nga lang kita,” lahad ni Uvero sa isang forum.

Ilang netizen ang nagngitngit dito dahil ang mga maliliit na retailer ang tatamaan sa inaasahang rice price ceiling.

“Charity ba ang mga maliit na retailers sa palengke? Maliliit na tao lang kaya nyo pigain, yung mga bilyonaryo ayaw nyo hilingin magsakripisyo.”

“Luh, bkt ung retailer ung magsasakripisyo hahahaha.”

“Nagbebenta ng walang kita tapos naagbabayad ng upa sa tindahan, bill sa kuryente, pasahod sa tindera. No. 1 requirement ata for a govt employee dapat tanga ka!”

“Pabobohan.”

Kamakailan lamang ay binira rin ng mga netizen ang hirit ng isang opisyal ng DTI na mag-diet sa kanin o kumain na lamang ng mais o kamote sa gitna ng rice inflation.

The post Netizens binanatan DTI asec sa hirit sa mga retailer na magbenta ng bigas nang walang tubo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT