Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11.6 billion para sa 2021 performance-based bonus (PBB) ng 920,073 personnel ng Department of Education.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, ang PBB ay bilang pagkilala sa hindi matawarang pagtatrabaho ng mga guro.
Batay sa record ng DBM nitong September 1, 2023, naipalabas na ng ahensya ang Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocations(NCAs) sa 16 na Regional Offices ng DepEd para sa 2021 PBB ng kanilang teaching personnel sa elementarya at high school matapos ang evaluation at validation sa requirements ng mga ito.
Ibinalik naman ng DBM sa DepEd ang documentary requirements ng non-teaching personnel sa School Division Offices ng walong regional offices para sa revalidation at revision dahil sa dobleng entries, mali-maling impormasyon sa buwan ng serbisyo at ilan sa mga personnel ay hindi makita sa Personnel Itemization and Plantilla of Personnel.
Sinabi ni Pangandaman na sa sandaling matanggap, ma-revalidate at maaprubahan ng DBM ang dokumento ay ipoposeso agad ito para maibigay ang hinihintay na PBB. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
Hontiveros sa DepEd: Huwag tiktikan ang mga estudyante
The post P11.6 billion performance-based bonus ng DepEd personnel inilabas na ng DBM first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento