Nilamon ng sunog ang isang pagawaan ng gulong sa Brgy. Lingunan, Valenzuela City.

Nagsimula ang sunog kaninang madaling araw, bago mag-4 am.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa grinding area kung saan ginagawa ang unang hakbang sa paggawa ng mga gulong.

Nahirapan naman ang mga bumbero na patayin ang apoy at umabot pa ito sa ika-apat na alarma.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog.

(CS)

See Related Story Here:

Big time dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, inaasahan sa susunod na linggo

The post Pagawaan ng gulong sa Valenzuela City, nilamon ng sunog first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT