Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na ideklara ang General Santos bilang tuna capital ng bansa.

Ang House Bill 4641 ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon ng plenaryo noong Miyerkoles.

“In recognition of its status as the country’s largest producer of fresh and canned tuna and vital contribution in making the Philippines a major player in the world tuna industry, the City of General Santos is hereby declared as the ‘Tuna Capital of the Philippines’,” sabi sa panukala.

Ayon kay General Santos City Rep. Loreto Acharon, may-akda ng panukala, 24 na oras matapos na ibaba ang mga fresh tuna sa General Santos City Fish Port Complex, ang mga sashimi-grade tuna ay ibinibiyahe na patungong Estados Unidos, Europa at Japan samantalang ang mga canned tuna product ay ipinadadala sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ang General Santos City matatagpuan ang anim sa walong tuna cannery sa Pilipinas na mayroong 120,000 empleyado. Ang industriya sa bansa ay nagkakahalaga ng US$58 milyon, ayon kay Acharon. (Billy Begas)

See Related Story Here:

Drag queen sa ‘Ama Namin’ remix, bawal sa GenSan

The post Panukalang ideklarang tuna capital ng bansa ang GenSan umusad na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT