Tunay na Pilipino at Ilocano icon.

Ito ang paglalarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos matapos pangunahan ang pag-aalay ng bulaklak at paggunita sa ika-106 na kaarawan nito sa Batac, Ilocos Norte nitong Lunes.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na maaalala ang kaniyang ama sa kaniyang paninindigan at pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan at sa pag-unlad na nagsilbing inspirasyon sa mamamayan.

“For the peace and order that he fought and stood for, the development that he inspired our own citizens to build, and the dreams that he left in the hearts of many, he remains a true Filipino and Ilocano icon whose exceptional mind matched the nation-loving spirit that he possessed and that he demonstrated,” saad ng Pangulo.

Umaasa ang Presidente na magsilbing inspirasyon sa mga batang lider at sa mga opisyal ng gobyerno ang mga nagawa ng kaniyang ama para sa mas makabuluhang buhay ng mga Pilipino.

Hindi aniya importante ang mga seremonya at mga parada upang kilalanin ang mga nagawa at saripisyo ni ‘Apo Lakay’, sa halip ay kumilos at suportahan ang gobyerno at mga mamamayan sa mga inisyatiba at programa para sa pagsulong ng bansa.

“In his memory, may our actions from this point on be directed by the desire to preserve and share the rich heritage of our province, of our nation,” dagdag ng Pangulo.

Sa nabanggit na okasyon ay sari-saring aktibidad ang inilunsad sa Batac ng mga lokal na opisyal na nagpapakita sa kultura ng mga Ilocano.

Ang dating Pangulong Marcos ay ipinanganak noong September 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte.

Nag-isyu ang Malacañang ng Proclamation No. 327 na nagdeklara sa September 11 bilang special non-working day sa Ilocos Norte upang ipagdiwang ang kapanganakan ng dating Pangulo. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

PBBM, Romualdez pinuri sa mga aksyon na nagpababa sa presyo ng bigas

The post PBBM: Dating Pangulong Ferdinand Marcos, Ilocano icon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT