Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal na nakatoka sa implementasyon ng Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa bigas sa buong bansa.
Sa regular sectoral meeting sa Malacañang nitong Martes, inireport ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga ginagawa matapos ipatupad ang price ceiling sa bigas noong September 5,2023.
Binigyan din ng update si Pangulong Marcos Jr. sa ginagawang cash payout sa rice retailers na naapektuhan ng price cap sa bigas.
Inaasahang tatalakayin din sa sectoral meeting ang iba pang mga hakbang upang mapatatag ang presyo at supply ng bigas sa bansa lalo na ngayong nagsisimula na ang anihan ng palay ng mga magsasaka.
Kasama sa inaasahang pag-uusapan sa pulong ang paghabol sa mga hoarder ng bigas at pagsasampa ng kaso sa mga nagmamanipula sa presyo ng bigas sa mga pamilihan. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
PBBM bibiyahe sa Singapore para sa 10th ASIAN Summit
The post PBBM pinulong ang mga opisyal ng DA, DTI, DSWD kaugnay sa ipinatutupad na price cap sa bigas first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento