Sasabak na ngayong Martes si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdalo ng mga pulong sa unang araw ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) summit and related Summit sa Jakarta, Indonesia.
Ang Pangulo ay nasa Indonesia para sa tatlong araw na 43rd ASEAN Summit na dadaluhan din ng Asian leaders.
Kabilang sa mga pulong na nakatakdang daluhan ng Pangulo ngayong Martes ay ang ASEAN Summit Plenary Session, ang ASEAN Indo-Pacific Forum at ang 43rd ASEAN Summit Retreat Session.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), layunin ng summit ngayong taon na magkaroon ng strategic opportunity ang regional bloc upang mas palakasin ang partnership sa Australia, Canada, India, China, Japan, Korea, United States at ang United Nations.
Bukod sa mga pulong na nakalinya sa summit ay mayroon ding hiwalay na pakikipagpulong ang Pangulo sa mga negosyate sa sidelines ng mga aktibidad.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. nitong Lunes bago tumulak sa Indonesia na gagamitin niya ang pagkakataon para makipagpulong sa bilateral partners upang isulong ang kooperasyon para sa kapakinabangan ng bansa, lalo na sa aspeto ng ekonomiya at kabuhayan. (Aileen Taliping)
See Related Story Here:
PBBM sa Jakarta: It feels like home!
The post PBMM sasabak na sa unang araw ng ASEAN summit sa Indonesia first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento