Tila hindi na nawalan ng gimik ang mga kawatan sa airport matapos makuhaan sa CCTV ang aktuwal na paglunok ng ninakaw na pera ng isang tauhan ng Office of Transportation Security (OTS), ayon kay Senadora Grace Poe.
“Nakakagalit at nakakahiya ang pangyayaring ito. Parang hindi nauubusan ng gimik ang mga kawatan sa airport,” reaksyon ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services.
Sa closed-circuit television (CCTV) recording sa NAIA Terminal 1, nakita ang isang lady screener habang kaniyang nilulunok ang tatlong tig-$100 dollars na kinuha umano sa wallet ng isang paalis na Chinese passenger sa final security checkpoint noong Setyembre 8, 2023.
Paniwala ni Poe, posibleng ang nakita sa CCTV ay hindi ang buong kwento dahil may mga ulat na nagsasabing inutusan ang OTS personnel na gawin ito.
“Ibig sabihin, may mga kasabwat pa ito. Umaasa tayo na matutunton agad ng awtoridad ang mga sangkot dito sa kanilang imbestigasyon,” ayon sa mambabatas.
Dagdag pa ni Poe, dapat i-screen mabuti ang mga aplikante sa naturang trabaho at muling kapanayamin ang mga kasalukuyang kawani para matukoy ang kanilang kuwalipikasyon gayundin ang pagsuri sa kanilang performance.
“The airport leadership should immediately investigate, file cases and fire employees found involved in criminal activities. Those who violate the law must be punished at once,” saad ni Poe.
Dismayado rin si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa bagong modus ng mga tauhan ng OTS sa airport.
“Malala na ito kung totoong kinakain ang pera just to avoid getting caught. The Office of Transportation Security and DOTr should get to the bottom of this newly discovered modus operandi at NAIA,” sabi ni Dela Rosa.
“We are hurting our own reputation before the international arena if this crime is not being addressed immediately,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Lovi Poe may matamis na birthday message kay Grace Poe
The post Poe: Mga kawatan sa airport ‘di naubusan ng gimik first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento