Tinanggal ni Pope Francis bilang pari si Fr. Pio Aclon dahil sa reklamo ng pangmomolestiya.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), inalis si Aclon dahil sa reklamong sexual abuse kung saan menor de edad pa umano ang ilang nabiktima nito.

Si Aclon ay mula sa Borongan, Eastern Samar.

Ayon naman sa inilabas na pahayag ng Diocese sa Borongan na nilagdaan ni Fr. James Abella, si Aclon ay tanggal na bilang cleric.

Babasahin ang advisory sa lahat ng simbahan sa naturang diocese.

Samantala, nangako naman ang CBCP na walang mangyayaring pagtatakip sa mga kaso laban kay Aclon. (RP)

The post Pope Francis sinibak paring Pinoy na manyak first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT