Binalaan ng Malacañang ang publiko laban sa kumakalat na fake news na namimigay umano ng P5,000 at bigas ang Presidential Action Center.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), hindi mandato ng Presidential Action Center ang mamigay ng pera at walang ganitong programa ang nabanggit na tanggapan.

“We have been made aware of false information circulating in nearby areas, claiming that the Presidential Action Center is distributing P5,000 in cash and kilos of rice. We want to clarify that this information is entirely false,” saad ng PCO.

Dinagsa ng maraming tao ang PACe nitong nakalipas na linggo matapos kumalat ang balitang namimigay umano ng pera at bigas.

Ang PACe ay nasa loob ng Malacañang complex at maraming galing sa ibang mga lugar ang dumayo sa pagbabakasakaling mabigyan sila ng umano’y ayuda.

Hinikayat ng PCO ang publiko na kapag may natanggap na ganitong impormasyon ay agad na i-validate o kaya ay mag-email sa pace@op.gov.ph upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Hiniling ng PCO ang pagkakaisa at suporta ng publiko upang malabanan ang pagkalat ng fake news sa bansa. (Aileen Taliping)

See Related Story Here:

Junjun Quintana namimili na ba ng gagawing pelikula?

The post Presidential Action Center hindi namimigay ng P5K, bigas – PCO first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT