Hindi nagustuhan ni Senador Robin Padilla ang naging hirit sa kaniya ng political analyst na si Ronald Llamas.

Ayon kay Llamas sa ‘PolitiSkoop’, dapat umano ay ayusin ni Padilla ang kaniyang pagsusuri patungkol sa alitan sa teritoryo ng China at Pilipinas.

“Yung tanong niya na sa ating kasaysayan naman hindi naman tayo inaabuso ng China. Hindi ko sinasabing sinungaling siya, ang sinasabi ko lang ay ayusin niya yung kanyang mga pagsusuri, ayusin niya yung kanyang research, ayusin niya ang kanyang datos,”

Mabilis naman na sumagot dito si Padilla at binanatan si Llamas.

“Isa pa Itong kulang sa pansin na ito. Lipas na ang panahon niyo at sa panahon niyo nawala ang Scarborough shoal. Kaya wag na po kayo pumapel sa panahon namin. Ang mga nagaganap ngayon sa West Philippine sea ay hindi pa kasaysayan o salitang inglis ay history sapagkat ito ay nagaganap pa sa kasalukuyan. Hindi mo pa ito puedeng sabihin na nakalipas o past dahil ito ay ngayon ibig sabihin ang present,”

“Wag din Sana natin iligaw ang taongbayan sa sovereignty at sovereign rights. Lalo ang aminin na hindi natin kayang depensahan ang sarili natin. How can you claim to be an independent nation and it’s people are free. When you publicly admit that you are not capable of defending you sovereignty or even your sovereign rights. Man up,”

Dagdag pa ni Padilla, wala pa umanong nangyayari na dapat ikabahala.

“Wala pa nga nangyayari na dapat talagang ikabahala. Nagkakagulo na kayo. Duruan pa Lang. Nanggagalaiti na kayo,”

Ipinunto pa ni Padilla na tumulong na lang na isulong ang mandatory ROTC.

“Tumulong kayong isulong ang mandatory ROTC o mandatory military service at kung hindi pa kayo reservist. Pumasok na kayo,”

“Bato kayo ng Bato ng kahoy para umapoy. Baka lumagablag ito hindi ko kayo makita sa hinahanap niyong gulo. Food security ang pagtuunan niyo ng laway ninyo.” dagdag pa nito.

(CS)

See Related Story Here:

Mga veteran celebrity nagsama-sama para sa Eddie Garcia Bill ni Robin Padilla

The post Robin Padilla binanatan si Llamas: ‘Isa pa itong kulang sa pansin na ito’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT