Inamin ni Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro na malaki ang pagbabago ngayon mula nang maging Defense Secretary sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kaysa noong panahon ng panunungkulan niya sa dating administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
“Malaking pagbabago mula sa threat challenges, mission, staffing organization,” pahayag ni Teodoro sa mga reporter bago sumalang sa pagdinig ng kaniyang appointment sa Commission on Appointments (CA.)
“More challenging wala namang madali, mahirap din nung araw but its more challenging now, demands more interagency cooperation sa issues,” dagdag pa niya.
Ayon kay Teodoro, isa sa malaking isyu na nakaapekto aniya sa buong operasyon ng DND, Office of Civil Defense at Armed Forces of the Philippines ay ang pagtaas ng presyo ng lahat pati na ang langis.
Maliban diyan, sinabi pa ni Teodoro na dahil din sa nagbabagong sitwasyon at kilos ng ating katunggali sa West Philippine Sea kaya kailangang i-leverage ang mga kaalyado natin para ipatupad ang rules at United Nations Convention on the Law of the Sea sa rehiyon.
“With the changing threat situation at kilos ng ating katunggali sa WPS,wps kailangan i-leverage ang alyansa but to enforce the rules based on international order,” saad pa niya. (Dindo Matining)
See Related Story Here:
Gibo Teodoro sasalang sa CA sa Setyembre 13
The post Teodoro: Mas challenging ang trabaho sa DND ngayon kesa noon first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento