Dapat umanong pag-aralan na pagbawalan ang ilang government official na gumamit ng Chinese app na TikTok.
Ayon kay National Security Council (NSC) assistant director general Jonathan Malaya, dapat tingnan kung maaaring ipatigil sa mga opisyal na nasa security sector ang paggamit ng naturang app.
“Siguro if there is a need for banning, it will not be for public school teachers, it will not be for the civilians, but it will be for the armed personnel,” saad ni Malaya.
Ito’y base sa pag-ban din ng ilang bansa tulad ng USA sa paggamit ng TikTok sa mga device ng gobyerno dahil sa pangambang posible itong gamitin bilang pang-espiya ng China.
Ayon kay Malaya, kanilang pag-aaralan kung pwede rin ba itong gawin sa Pilipinas.
“We will discuss this with the National Security Adviser if it will be proper for the Philippines to take this step,” saad ng NSC official. (RP)
See Related Story Here:
Viral TikTok video ni Joshua Garcia nalagpasan na ni Marian Rivera
The post TikTok dapat ipagbawal sa ilang gov’t official – NSC first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento