Patay ang dalawang Pilipino kasunod ng sumiklab na giyera sa pagitan ng Israel at Palestinian Islamist group na Hamas.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang pagkasawi ng dalawang Pinoy sa Israel.

“The Philippines condemns the killing of two Filipino nationals and all other acts of terrorism and violence as a result of Hamas actions against Israel,” saad ni Manalo sa kanyang Facebook post.

Ayon pa kay Manalo, handa ang Pilipinas na makipagtulungan para makamit ang resolusyon sa naturang armed conflict.

“The Philippines is ready to work with other countries towards a long-lasting resolution to the conflict, in accordance with pertinent UN Security Council Resolutions and the general principles of international law,” saad ni Manalo.

Nangako rin si Manalo na patuloy na tutulungan ang mga Pinoy na nasa Israel at Palestine.

“The Philippine government will continue to provide all possible assistance to distressed Filipinos nationals in Israel and Palestine,” wika ng DFA Secretary. (RP)

See Related Story Here:

CFO aktibo sa pag-alalay sa mga Pinoy sa Israel

The post 2 Pinoy todas sa Israel-Hamas war first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT